6 na pier, tigil operasyon pa rin dahil sa naranasang sama ng panahon; Mahigit 200 pasahero, nananatiling stranded

Nananatiling non-operational ang 6 na mga pantalan sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay bunsod pa rin ng naranasang sama ng panahon dulot ng low pressure area, northeast monsoon at shearline.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 4 na pier sa Region 9 at tig isa sa Regions 6 at 11 ang tigil operasyon.


Dahil dito, stranded ang kabuuang 249 na mga pasahero.

Hindi rin muna pinayagang makapaglayag ang 2 vessels.

Samantala, operational na ang 18 pantalan sa ngayon na nitong mga nakalipas na araw ay nagtigil operasyon.

Paalala ng NDRRMC sa mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa pamunuan ng mga pantalan upang hindi na magtungo pa sa pier kung kanselado naman ang inyong mga biyahe.

Facebook Comments