Mas mabilis na paghahatid ng serbisyo ng PNP ngayong taon, ipinangako ni Azurin

Pagsusumikapan ng Philippine National Police (PNP) ang mas mabilis na paghahatid ng serbisyo publiko sa taong kasalukuyan.

Isa ito sa mga nabanggit ni PNP Chief Azurin Jr., sa tradisyunal na New Year’s courtesy call ng mga matataas na opisyal ng PNP noong isang linggo.

Kasama dito, ani Azurin, ang mabilis na paglilisensya ng baril, mabilis na paglalabas ng police clearance at maging ang pagbibigay ng mga benepisyo sa mga pensyonado at sugatang pulis.


Aniya, kabila ng lahat ng hamon na hinarap ng PNP sa nakalipas na taon ay matagumpay na nagampanan ng Pambansang Pulisya ang kanilang mandato at naisulong ang kampanya kontra sa krimen, ilegal na droga, korapsyon at iba pa.

Looking forward din ang PNP chief na maging “best year ever” para sa PNP ang 2023.

Facebook Comments