6 pang Pinoy mula Ukraine, nailikas na rin sa Republic of Moldova

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na nakarating sa Republic of Moldova ang 6 na mga Pipino Filipinos mula Ukraine.

Kabilang dito ang isang Pinoy na fourth-year medical student sa Bukovinian State Medical University, gayundin ang 2 Filipino nationals na nakapag-asawa ng Ukrainian nationals.

Isa sa kanila ay may kasama ring dalawang taong gulang na batang lalaki at ang 2 ay mga Pinoy na nagtatrabaho sa international organization


Nakatakda rin silang ilipat patungo ng Romania kung saan sila sasakay ng flight pauwi ng Pilipinas.

Pinapayuhan naman ang mga Pilipinong nasa borders ng Moldova at Romania na makipag-ugnayan lamang sa Philippine Embassy sa Budapest kung nais nilang sumailalim sa repatriation program ng pamahalaan ng Pilipinas.

Facebook Comments