Mga pulis, hindi dapat malulong sa e-sabong

Dapat siguraduhin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na walang pulis na malululong sa e-sabong o online sabong.

Mensahe ito ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay PNP Chief Dionardo Carlos.

Ayon kay Dela Rosa na dati ring hepe ng PNP, moral responsibility ng pinuno ng Pambansang Pulisya na siguraduhin na hindi gumagawa ng krimen at masamang bisyo ang bawat pulis.


Diin ni Dela Rosa, hindi na dapat masundan ang ilang pulis na nasangkot umano sa nakawan at pangho-holdap makaraang mamroblema sa pera dulot ng pagkalulong sa e-sabong.

Giit pa ni Dela Rosa, kailangang agapan ito upang hindi maging e-sabong cops ang mga dating ninja cop na maaring matukso sa malaking kita umano mula sa araw araw at 24/7 na operasyon ng e-sabong.

Facebook Comments