60 PDL ng BuCor, inililibing na ngayong araw

43

Sinimulan na ng Bureau of Correction (BuCor) ang paglilibing sa 60 PDL sa New Bilibid Prison ngayong araw

Sila ay kabilang sana sa sasailalim sa forensic examination ni Dr. Raquel Fortun pero hindi na tinuloy dahil sila ay mummified na.

Kanina nagkaroon muna ng Banal na Misa na dinaluhan ng matataas na opisyal ng BuCor kabilang na si Bucor Chief Gregorio Catapang.


Ilan sa mga kamag-anak ng PDL ang dumating para saksihan ang paglilibing.

Layon ng BuCor na mabigyan ng maayos na libing ang mga namatay na PDL at ibigay ang respeto para sa kanila.

Makikita sa kabaong ang mga pangalan ng PDL at meron din pangalan kung saan sila ililibing.



Facebook Comments