Saturday, May 2, 2026

70% ng repatriated OFWs mula Middle East, nais pa ring magtrabaho sa abroad—OWWA

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na 70% ng mga Pilipinong umuwi ng Pilipinas dahil sa giyera sa Middle East ay nais pa ring magtrabaho sa abroad.

Bunga nito, sinabi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan na patuloy ang kanilang upskilling sa repatriated OFWS para matiyak na makakapasok pa rin ito sa trabaho sa ibang bansa.

Sa ngayon, mahigit 8,000 na mga Pinoy mula Middle East ang umuwi ng Pilipinas.

Nilinaw naman ni Caunan na patuloy na nababawasan ang bilang mga Pilipino sa Gitnang Silangan na nais umuwi ng Pilipinas.

Ito ay dahil sa pagbuti sa sitwasyon sa Middle East.

Sa ngayon, mahigit 2,000 pang mga Pinoy sa rehiyon ang nakatakdang umuwi ng Pilipinas.

Facebook Comments