
Iminungkahi ni Senator Imee Marcos na bigyan na ang ehekutibo ng kapangyarihang ilipat, dagdagan, bawasan o palitan ang pondo ng bayan.
Ito ay para malubos na ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga nangangailangan ngayong may krisis.
Ayon kay Sen. Marcos, tumagal na ng halos dalawang buwan ang giyera sa Iran ngunit mabagal pa rin ang galaw ng mga ahensya ng pamahalaan.
Hinahanapan din ng senadora kung may maaasahan pa bang ayuda dahil kung pagsasabatas lang sa paglilipat ng pondo ay magiging madali lang subalit magiging mahirap naman ito kung walang transparency sa pondo ng bayan.
Pinuna ng husto ni Sen. Imee ang kabagalan ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi pa naihahanda ang panukalang batas para sa realignment ng pondo ng mga ahensya para sa mabilis na pagtugon sa krisis.










