600 PAMILYA SA MAMALINGLING, NAKATANGGAP NG FOOD PACKS MULA SA ISANG FOUNDATION

Umabot sa 600 pamilya sa Barangay Mamalingling, Dagupan City ang nakatanggap ng food packs mula sa isang foundation kahapon, Agosto 19.

Isinagawa ang relief operation ng SM Foundation, katuwang ang Department of Social Welfare and Development o DSWD, upang makapaghatid ng karagdagang suplay ng pagkain sa mga pamilyang nangangailangan.

Tumulong din sa pamamahagi ang relief team ng SM Center Dagupan, kung saan umabot sa 600 food packs ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa nasabing barangay.

Layunin ng relief operation na makatulong sa agarang pangangailangan sa pagkain ng mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments