MAHIGIT 800 JOB VACANCIES, BINUKSAN PARA SA MGA JOB SEEKER SA LINGAYEN

Mahigit 800 oportunidad sa trabaho ang inilapit sa mga job seeker sa Lingayen, Pangasinan sa isinagawang job fair noong Agosto 13.

Batay sa datos ng Public Employment Service Office o PESO Lingayen, kabuuang 865 job vacancies mula sa iba’t ibang kumpanya ang binuksan para sa mga aplikante.

Nanguna sa bilang ng hiring ang isang bus company na may 370 bakanteng posisyon para sa bus driver, driver-conductor, bus conductor at mechanic.

May mga kumpanya rin na nagbukas ng tig-150 job vacancies, habang 100 aplikante naman ang hinahanap para sa customer service representative positions.

Hindi lamang driving at customer service jobs ang available.

Kabilang din sa mga naghahanap ng aplikante ang mga kumpanya para sa production operator, QA inspector, management trainee, sales and market assistant, ESL teacher at service crew.

Mayroon ding mga bakanteng posisyon para sa biomedical engineer at mga trabaho sa accounting, human resources at safety.

Ayon sa PESO Lingayen, isinagawa ang job fair upang magkaroon ng mas madaling access ang mga residente sa mga kumpanyang kasalukuyang hiring at mabawasan ang oras at gastos sa paghahanap ng trabaho.

Sa halip na magkanya-kanyang maghanap ng employer, nabigyan ang mga aplikante ng pagkakataong makapili at makapag-apply sa iba’t ibang trabaho sa iisang lugar.

Patuloy namang hinihikayat ang mga job seeker na makipag-ugnayan sa PESO para sa iba pang employment opportunities at susunod na recruitment activities. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments