FREE WIFI SA MGA PAARALAN SA SAN FABIAN, MULING SINURI

Muling sinilip ng mga awtoridad ang kalagayan at paggamit ng Free WiFi facilities sa mga pampublikong paaralan sa San Fabian, Pangasinan, upang matiyak na napapakinabangan ito ng mga mag-aaral.


‎Isinagawa ang inspeksyon noong Agosto 13 sa Binday National High School at San Fabian National High School, kung saan sinuri ang internet connection at accessibility ng serbisyo sa mga estudyante.

‎Tiningnan din kung sapat ang koneksyon para sa mga gawaing nangangailangan ng internet, kabilang ang research, paggamit ng modules at online learning.


‎Batay sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong 2021, mayroon nang 142 operational Free WiFi sites sa 21 bayan at lungsod sa Pangasinan, kabilang ang San Fabian.


‎Noon, iniulat na umaabot sa 10 megabits per second ang maximum speed ng mga naturang site, na inaasahang makatutulong sa publiko, kabilang ang mga estudyante at empleyado.

‎Naitatag ang libreng internet service matapos magpasa ang Sangguniang Bayan ng San Fabian ng resolusyong humihiling sa DICT ng Free WiFi access para sa mga pampublikong paaralan.

‎ ‎Sa isinagawang inspeksyon, layunin ng mga awtoridad na matukoy kung patuloy na gumagana at napapakinabangan ng mga mag-aaral ang internet facilities bilang suporta sa kanilang pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments