608 RESIDENTE SA SAN NICOLAS, NAKINABANG SA INILAPIT NA PHILSYS SERVICES

Umabot sa 608 residente ng San Nicolas ang nakinabang sa isinagawang limang araw na PhilSys Co-Location Activity, kung saan inilapit sa komunidad ang mga serbisyo para sa pagpaparehistro at beripikasyon ng National ID.

‎Sa unang tatlong araw ng programa, nasa 266 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nabigyan ng serbisyo para sa registration at verification. Samantala, 342 senior citizens naman ang napagsilbihan sa huling dalawang araw ng aktibidad.

‎Ayon sa pamahalaang lokal, mahalagang mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan upang mas madali nilang makuha ang mga kinakailangang dokumento tulad ng National ID, na nagsisilbing mahalagang pagkakakilanlan sa pag-avail ng iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno at pribadong sektor.

‎Sinisikap naman na gawing mas abot-kamay at mas maginhawa ang mga programa ng gobyerno, lalo na para sa mga prayoridad na sektor gaya ng mga benepisyaryo ng 4Ps at mga nakatatanda.
Facebook Comments