Thursday, July 9, 2026

Palasyo, kinuwestiyon ang pagtutol ng kampo ni VP Sara sa pag-upo ng isang abogado bilang presiding officer ng impeachment court

Kinuwestiyon ng Malacañang kung bakit tinututulan ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pag-upo ng isang abogado bilang presiding officer ng impeachment court.

Ito’y matapos dumulog sa Korte Suprema ang kampo ng VP Sara upang humiling ng status quo ante order at kuwestiyunin ang mga pagbabago sa Rules of Procedure on Impeachment Trials, kabilang ang pagtalaga ng presiding officer na hindi ang Senate President.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, karapatan ng kampo ni Duterte na magsampa ng petisyon sa Korte Suprema pero wala silang nakikitang paglabag sa Konstitusyon.

Binanggit din ni Castro na walang nakasaad sa Konstitusyon na ang Senate President lamang ang maaaring magsilbing presiding officer sa isang impeachment trial.

Sa kasalukuyan, si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang itinalagang presiding officer ng impeachment court.

Facebook Comments