Thursday, May 7, 2026

62 Chinese vessels na-monitor sa WPS, nitong buwan ng Abril —AFP

Nakapagmonitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 62 Chinese Vessels sa apat na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) nitong buwan ng Abril.

Sa Bajo de Masinloc, nasa 24 na mga barko ng China ang namataan, sa Ayungin Shoal ay may namataan na 12 vessels, sa Escoda Shoal ay 17 vessels, at sa Pag-asa Island ay nakapagmonitor ng nasa siyam na chinese vessels.

Samantala, nasa kabuuang 21,052 na vessels ang namataang naglalakbay sa loob ng Philippine maritime zones kung saan nasa higit 17,000 rito ay mga foreign-flagged vessels habang ang higit 3,000 naman dito ay mga domestic vessels.

Habang nasa 14,343 naman ang sumunod sa international protocols na naitalang nagrespond sa radio challenges at 6,709 dito ay naitalang hindi tumugon.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang kanilang pagbabantay at operasyon para matiyak ang seguridad sa West Philippine Sea.

Facebook Comments