Friday, October 23, 2026

OVP, tila suki na sa adverse findings ng COA

Screenshot from House of Representatives-Philippines/YouTube

Para sa House Impeachment Panel, lumalabas ngayon na tila suki na ng hindi magandang findings ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Vice President (OVP).

Sinabi ito ni House Impeachment Team Adviser at Spokesperson Ace Barbers makaraang sitahin ng COA ang paggastos ng OVP sa ₱168 million pesos na 2025 Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Batay sa special audit report ng COA, ay may nakitang kwestyon sa mga dokumento lalo na sa pagkakakilanlan ng mga benepisaryo at hindi tugmang records ng OVP sa reports ng kaukulang lokal na pamahalaan.

Diin ni Barbers, dapat magpaliwanag ang OVP dahil pera ito ng taumbayan kaya dapat matukoy saan talaga ginastos o napunta ang bawat piso sa nabanggit na pondo.

Ayon kay Barbers, kung ginamit sa ayuda ang salapi dapat klaro kung sino ang nakinabang mga at kung sa disaster response activity ito inilaan ay dapat maidetalye kung anong klaseng kalamidad at kelan nangyari.

Facebook Comments