
Pinaputok sa unang pagkakataon ng Japan ang Type 88 surface-to-ship missile system nito sa Pilipinas sa nagaganap na Balikatan Exercise 2026.
Kung saan personal na nasaksihan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. at Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi ang nasabing drill sa Paoay Sand Dunes sa Ilocos Norte.
Ang nasabing missile system ay pinaputok sa huling drill ng Balikatan Exercise kung saan pinalubog ang decommissioned Philippine Navy Vessel na BRP Quezon.
Samantala, habang nasa Norte ang Maritime Strike Exercise ay nanunuod naman ng live si Pangulong Bongbong Marcos sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang Japan sa war games na 41 taon nang isinasagawa ng AFP at ng US.
Sumabak ang Japan sa Balikatan exercise ito ay dahil na rin sa bisa na rin ng Reciprocal Access Agreement o RAA na senelyuhan noong nakaraang taon lamang.
Layon ng nasabing aktibidad na palakasin ang multilateral cooperation at interoperability sa mga kalahok na pwersa.










