63% ng mga bagong namatay sa COVID-19 sa bansa, hindi bakunado

74

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakapagtala ang bansa ng 26,302 na bagong COVID-19 cases mula Aug. 12-18.

Ito ay katumbas aniya ng average na kaso ng infection kada araw na 3,757

Kinumpirma rin ni Vergeire na 63% ng mga bagong namatay sa COVID-19 ay hindi bakunado.


Sa kabilang dako, iniulat ng DOH na bumababa na ang kaso ng infection sa Mindanao.

Samantala, nanindigan naman ang DOH na hindi na muna sila bibili ng mga bakuna kontra COVID-19

Ayon kay Vergeire, sapat ang supply ng COVID vaccines hanggang sa katapusan ng taon.



Facebook Comments