Batay sa Annual Procurement Plan para sa Fiscal Year 2025 ng DPWH Pangasinan 2nd District Engineering Office, higit P18 milyon ang inilaan para sa road rehabilitation project na sinimulan noong March 2025 at nakatakda sanang makumpleto pagsapit ng July 2025 pero ngayon pa lang tinatapos.
Dahil sa limitadong galaw ng mga sasakyan sa mga bahagi ng kalsada, tumatagal ang oras ng kanilang biyahe habang nagpapatuloy ang proyekto.
Maging mga mga nagtitinda ng dried fish sa nasabing bahagi, apektado rin.
Samantala, naglabas naman na ng Road Advisory ang DPWH Region 1 at sinabing nananatiling bukas sa dalawang-direksiyong daloy ng sasakyan ang apektadong bahagi ng Pangasinan-Zambales Road sa nasabing barangay.
Gayunman, ipinatutupad ang stop-and-go traffic scheme sa mga aktibong work zones na nagsimula noong June 12 hanggang June 16, 2026 habang isinasagawa ang rehabilitasyon, rekonstruksiyon at pag-upgrade ng mga sirang sementadong kalsada sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







