Wednesday, July 29, 2026

Kasunduan hinggil sa Pax Silica, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ngayon sa Kamara ng ilang mga kongresista ang nilulutong kasunduan sa pagitan ng ating gobyerno at Amerika hinggil sa Pax Silica.

Target ng imbestigasyon na matukoy kung ano ang magiging pakinabang ng ating ekonomiya sa naturang inisyatiba gayundin ang epekto nito sa kalikasan, sa paggawa, at sa pambansang seguridad.

Target din na masilip sa pagsisiyasat ng Kamara kung sapat ang ating mga batas at regulasyon para sa implementasyon nito.

Ang Pax Silica ay nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang katatapos na State of the Nation Adress (SONA) na inaasahang maghahatid ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at tiyak makakatulong sa ating ekonomiya.

Sa ilalim ng Pax Silica initiative ay isang malaking industrial hub ang itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Facebook Comments