67 ANYOS NA LOLA, VIRAL SA KANYANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO

Kung mayroon mang dadagdag sa listahan ng mga taong patunay na walang pinipiling edad ag edukasyon, isa na dyan ang viral na 67 anyos na ‘senior student’ mula Bulacan, na si Nanay Josephine Villatema.

Sentro siya ngayon ng inspirasyon sa social media matapos niyang ibahagi ang mga larawan mula sa kanilang graduation pictorial.

Talaga namang all smiles at confident si Nanay Josephine suot ang kanyang toga para sa kanyang natapos na kursong Bachelor of Elementary Education.

Sa kabila ng mga hamon na karaniwang kinakaharap ng mga nasa kaniyang edad, hindi ito naging hadlang upang tapusin niya ang kaniyang pag-aaral bilang isang graduating 4th-year college student sa Colegio de San Gabriel Arcangel sa Bulacan.

Dahil sa kaniyang pambihirang dedikasyon, umani ng libo-libong reaksyon at pagpupugay ang kaniyang kwento mula sa mga netizen, kabilang na ang pagkilala mula sa pamahalaang lokal.

Hindi lamang diploma ang iuuwi ni Nanay Josephine, kundi isang bitbit na aral para sa kabataan, na hangga’t may buhay, may pag-asa, at walang masyadong huli para sa taong nangangarap na matuto at maglingkod para sa susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments