274 SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN, SUMAILALIM SA SOCPEN VALIDATION

Sumailalim sa mass validation ang 274 indigent senior citizens sa Dagupan City na nakalista sa Community-Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority bilang karagdagang benepisyaryo ng Social Pension program sa ilalim ng Republic Act No. 11916.

Pinangunahan ng tanggapan ng social welfare ng lungsod, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs at Federation of Senior Citizens Association of the Philippines–Dagupan, ang isinagawang validation upang tiyakin ang maayos na pagproseso ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Layunin ng aktibidad na mapabilis ang paglalabas ng ayuda at masiguro na makarating ang social pension sa mga nakatatandang nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.

Ayon sa mga kinauukulang tanggapan, nagpapatuloy ang koordinasyon at serbisyo para sa episyenteng pagpapatupad ng programa at maayos na paghahatid ng benepisyo sa mga senior citizen sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments