7 pulis na wanted dahil sa kasong murder, sumuko

Sumurender sa Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang pitong pulis na wanted dahil sa kasong murder.

Kinilala ni PNP-IMEG Director PBGen. Warren de Leon ang mga sumuko na sina S/Sgt. Quill Bay-an, Chief Master Sergeants Joseph Chumawar Jr., at Israel Lucob, Captains Justin Anogue, Guilbert Asuncion at Orlando Rosales Jr., at Master Sgt. Dante Baloran.

Ang mga pulis ay napag-alamang miyembro ng Rapid Deployment Battalion ng PNP Special Action Force.


Ayon sa PNP-IMEG ang mga ito ay may standing arrest warrant dahil sa 2 counts ng murder na inisyu ng korte kaugnay sa pagkamatay ng dalawa umanong rebeldeng komunista sa engkwentro na naganap sa Sitio Lagyo, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal noong 2010.

Sa ngayon nakapiit ang mga ito sa IMEG custodial facility sa Kampo Crame bago i turn-over sa kanilang court of origin.

Facebook Comments