
Suportado ng Defense Counsel na si Atty. Michael Poa ang pagwithdraw ng prosecution team sa pagharap ni Atty. Zuleika Lopez bilang testigo sa impeachment trial ni VP Sara Duterte sa Senado.
Ayon kay Poa, hindi din inaasahan ng depensa ito at wala naman silang objection ukol dito.
Ayon pa kay Poa, hindi nakikita ng defense team na advantage ang pagwithdraw na ito kay Lopez at sinabing kahit sila rin ay hindi malayong magbawas din ng testigo lalo kung makita nila na hindi naman na ito kailangan at maging paulit-ulit lang .
Samantala, kinumpirma naman ni Poa na hindi kasama si Lopez sa mga nakalista naman sa defense na witness na posibleng humarap sa trial.
Facebook Comments










