
Asahan na mas bibilis na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa mga susunod na araw at linggo.
Ito ang binigyang katiyakan ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Esdcudero matapos na mapuna ang mabagal na pagusad ng paglilitis kung saan sa week 1 pa lang ng impeachment trial ay isang testigo pa lang ang naipapaharap.
Paliwanag ni Escudero, natural na mabagal ang umpisa dahil nangangapa at nagsasanay pa ang marami sa mga abogado ng prosekusyon at depensa.
Aniya, maging ang mga senator judges kabilang na siya na tumatayayong presiding officer ay may pag-a-adjust din pero sa katagalan ay masasanay din ang lahat sa proseso.
Umapela naman si Escudero ng pangunawa sa lahat dahil kahit na sikapin itong mapabilis, may mga proseso pa rin na kailangang sundan.










