
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang 2 indibidwal sa isinagawang intelligence-driven checkpoint operation sa Barangay Libertad, Kolambugan, Lanao del Norte.
Ayon sa ulat ng pulisya, ibabyahe sana ang mga sigarilyo para i-distribute sa Cagayan de Oro City.
Ang mga suspek ay kinilala sa mga alyas na “Arip,” 59 years old ang driver ng nasabing mga puslit na sigarilyo at alyas “Amil” 16 years old.
Narekober sa dala nilang cargo truck ang 140 master cases ng imported na sigarilyo at 40 master cases ng isa pang imported na sigarilyo na nakatago sa ilalim ng dala nitong kopra.
Nasa tinatayang 7.2 million pesos naman ang halaga ng mga sigarilyo at sasakyan na nakumpiska ng mga awtoridad.
Ang dalawang naarestong indibidwal ay dinala sa Kolambugan Municipal Police Station para sa dokumentasyon habang ang mga nakumpiskang produkto at sasakyan ay i-tu-turnover sa Bureau of Customs (BOC).
Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.










