PAGGAWA NG KARABASA PANCIT CANTON SA UMINGAN, IPINASILIP

Mahilig ba kayo sa Pancit Canton? Alam niyo bang may healthy version ito kung saan ang pancit ay gawa mismo sa gulay na Kalabasa?

Tampok sa Facebook reel ni Umingan Mayor Atty. Chris Evert Tadeo-Leynes ang proseso ng paggawa ng noodles o Pancit Canton na gawa sa karabasa, bilang bahagi ng programang One Town, One Product ng Department of Trade and Industry.

Kilala ang bayan ng Umingan na isa sa mga producer ng masustansiyang gulay na Kalabasa kaya naman taun-taon ay ipinagdiriwang dito ang Karabasa Festival.

Sa naturang facebook reel makikita ang step by step na proseso sa paggawa ng Pancit Canton – mula sa pagmasa ng dough, pagpasok sa makina upang maging manipis hanggang sa isalang muli sa isang makina upang tuluyang maging noodles.

Saka naman ito kikiluhon at piprituhin at ihanda na para sa packaging.

Isinagawa ang naturang pagsasanay sa Women Empowerment Building ng Brgy. Lauren, kung saan sinanay ang mga kababaihang empleyado rito sa paggawa ng naturang produkto.

Layunin nitong patuloy na maisulong ang One Town One Product na hindi lamang magpapakilala ng produktong Kalabasa kundi upang makalikha rin ng trabaho para sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments