Thursday, August 27, 2026

Detension Basin, itatayo sa Andres Bonifacio Monument; Tubig na maiimbak, gagawing potable water

Planong magtayo ng malaking detention basin ang Department of Public Works and Highways (DPWH), katuwang ang NLEX Corporation, sa Andres Bonifacio Monument sa bahagi ng EDSA.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon ngayong Huwebes, August 27, kailangan munang ma-secure ang right of way nito bago simulan ang disenyo ng proyekto at para malaman ang halaga ng pondong ilalaan dito.

Target na matapos ang pagtatayo ng nasabing detention basin bago ang susunod na tag-ulan sa susunod na taon.

Samantala, tiniyak naman ni DPWH Secretary Dizon na hindi masasayang ang tubig na maiimbak sa detention basin dahil plano na rin nilang makikipag-ugnayan sa Manila Water at Maynilad para gawin itong Potable Water.

Ngayong Huwebes ng umaga, August 27 ay ininspeksyon ni DPWH Sec. Dizon ang drainage structure sa bahagi ng EDSA Balintawak, Quezon City na extension creek ng G. Araneta.

Facebook Comments