DENR PERMITTING ON WHEELS; ILULUNSAD SA BINALONAN PARA SA MAS MALAPIT NA SERBISYO

Ilulunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “Permitting on Wheels” sa Barangay Poblacion sa Mayo 6, 2026, bilang hakbang para ilapit ang serbisyo ng ahensya sa mga mamamayan.

Sa ilalim ng programa, mag-aalok ng iba’t ibang serbisyong gaya ng aplikasyon at pagproseso ng mga dokumento para sa lupa, kabilang ang land status certification. Kasama rin ang Environmental Compliance Certificate (ECC) at Certificate of Non-Coverage sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB).

Para naman sa sektor ng pagmimina, magbibigay ang Mines and Geosciences Bureau ng permits at clearance para sa small-scale mining operations.

Ayon sa DENR, layunin ng aktibidad na pabilisin ang proseso ng mga dokumento at bawasan ang pangangailangang bumiyahe pa sa mga tanggapan ng ahensya. Gayunman, paalala rin na ang mga ganitong “mobile services” ay dapat masiguro ang tuloy-tuloy na sistema ng pagproseso upang maiwasan ang pagkaantala at backlog ng aplikasyon.

Matatandaang nauna na ring isinagawa ang kaparehong aktibidad sa Alaminos City noong Marso 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments