Umabot sa 714 farmer’s cooperatives at associations sa lalawigan ng Pangasinan ang nakatanggap ng mga bagong kagamitang pansaka mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office.
Layunin ng naturang programa na palakasin ang sektor ng agrikultura sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka, partikular na sa pagpapahusay ng kanilang produksyon at pagtaas ng ani.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang pagbibigay ng modernong kagamitang pansakahan ay bahagi ng patuloy na inisyatiba upang matulungan ang mga lokal na magsasaka na maging mas produktibo at mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Inaasahan naman na sa pamamagitan ng naturang tulong, mas mapapalakas ang agricultural sector sa Pangasinan at mas mapapaunlad ang kabuhayan ng libo-libong magsasaka sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








