Wednesday, June 24, 2026

BEAUTY QUEEN MULA SA BAYAN NG BOLINAO, NAGPAKITANG GILAS NA SA PRELIMINARY NG BINIBINING PILIPINAS 2026

Muli na namang nasilayan sa national pageant na Binibining Pilipinas 2026 ang ganda ng mga taga Pangasinan sa katauhan ni Stacey De Ocampo, ang pride ng Bolinao.

“That little girl from Bolinao, Pangasinan who grew up watching Binibining Pilipinas would never believe this.” – Ito ang mensahe ni Stacey sa kaniyang younger self matapos opisyal na maitayo ang kaniyang banner para sa Preliminary ng Binibining Pilipinas 2026 nitong June 22 (2026).

Kabilang si Stacey sa 36 Binibinis na rumampa sa swimwear at long gown competition sa Prelims para 62nd edition ng naturang national pageant.

Pinabilib ni Stacey ang mga judges sa kaniyang galing sa pagrampa suot ang Preliminary Gown nito na likha ni Mara Chua.

Inspired by the coastal spirit of Bolinao, ang mismong design nito ay taglay ang kwento ng isang babae na dala-dala ang kaniyang mga pangarap habang buong pusong ipinagmamalaki ang kaniyang bayang pinagmulan.

Sa kaniyang beauty, brain, and confidence, tiyak na isa na si Stacey sa mga inaabangang makapasok bilang top Binibini sa Binibining Piliponas 2026 Coronation Night sa darating na July 18, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments