Wednesday, June 24, 2026

BAYAMBANG, UNANG BAYAN SA REHIYON UNO NA NAKATANGGAP NG SPECIAL NOTICE OF COMPLIANCE PARA SA TRANSPORT PLAN 2025-2029

Nakatanggap ang Pamahalaang Bayan ng Bayambang ng Special Notice of Compliance mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa kanilang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) 2025-2029.

Ayon sa LTFRB, ang Bayambang ang unang bayan sa Pangasinan at sa buong Ilocos Region na nabigyan ng naturang pagkilala.

Pormal itong iginawad sa isang seremonya na pinangunahan ng LTFRB Region I noong Hunyo 22, 2026.

Ang naturang kagawaran ay isang lokal na plano na nagsisilbing gabay sa pagdidisenyo ng mga ruta, lalo na sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon.

Sa aktibidad, tinalakay din ng LTFRB at ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang para sa sustainable public transport, kabilang ang planong Downtown Loop Route na daraan sa Zone IV Junction at Burgos Street.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi umano ito ng mga plano para maisaayos ang accessibility at organisasyon ng pampublikong transportasyon sa Bayambang sa mga susunod na taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments