Tuesday, June 23, 2026

Mga kabataan, nagsagawa ng vigil sa CHR bilang pakikiramay sa mga biktima ng pamamaril sa Tacloban

Nagsagawa ng candlelight vigil sa harap ng Commission on Human Rights (CHR) ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan bilang pakikiramay sa mga biktima ng insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban, Leyte.

Ang aktibidad na may temang “ Keep our schools safe” ay pinangunahan ng Akbayan Youth at iba’t ibang student councils at mga youth organizations.

Panawagan ng grupo, palakasin ang mga mekanismo upang maprotektahan ang mga bata sa mga karahasan sa mga eskwelahan.

Tinitutulan din ng grupo ang panukalang ibaba ang minimum age ng criminal responsibility.

Ayon kay Claire Lopez, Vice chairperson ng Akbayan, hindi sagot sa trahedya ang kriminalisasyon ng mga bata, kundi ang paglalagay ng matibay na proteksyon, suporta at programa na nagtataguyod ng kapakanan ng mga bata.

Facebook Comments