Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabagtas umano ng isang 19-anyos na rider ng motorsiklo ang naturang kalsada nang bigla umanong tumawid ang 72-anyos na matandang babae, na kinilalang taga sta. Lucia, lubao, pampanga at kasalukuyang naninirahan sa binmaley.
Dahil dito, aksidente itong nabangga ng rider at kapwa sila nagtamo ng pinsala at isinugod sa ospital.
Ayon sa kapulisan, wala umanong driver’s license at hindi nakasuot ng protective helmet ang rider, na kinilalang isang bagger at residente ng naturang bayan, nang mangyari ang aksidente.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at tinatayaang halaga ng pinsala. Nagbabala rin ang pnp ukol sa tamang pagtawid at pag-iingat kapag tumatawid sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










