DAGUPAN POLICE, NAGLABAS NG PAALALA LABAN SA ONLINE INVESTMENT SCAM

Muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga online investment scheme upang maiwasang mabiktima ng mga manloloko sa internet.

Sa inilabas na crime prevention tips, binigyang-diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng masusing beripikasyon bago maglagak ng pera sa anumang investment platform. Pinayuhan ang publiko na magsaliksik tungkol sa kumpanya at tiyaking ito ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) o Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagbabala rin ang mga awtoridad laban sa mga alok na nangangako ng napakataas na kita sa maikling panahon na halos walang panganib.

Bukod dito, hinikayat ang publiko na pangalagaan ang kanilang personal at pinansyal na impormasyon. Mahigpit na ipinayo na huwag ibahagi kaninuman ang mga password, one-time password (OTP), at mga detalye ng bank account kahit pa magpakilala ang kausap bilang kinatawan ng isang lehitimong kumpanya o institusyon.

Samantala, pinayuhan din ang mga mamamayan na agad iulat sa mga kinauukulang awtoridad ang mga kahina-hinalang website, social media account, at iba pang online na aktibidad na may kaugnayan sa panloloko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments