Tuesday, July 7, 2026

74 na mga Chinese vessels, namataan sa WPS buong Hunyo

Nakapagtala ang Philippine Navy ng 74 na mga People’s Liberation Army Navy (PLA-N) at China Coast Guard (CCG) vessels buong buwan ng Hunyo.

Dagdag pa nito, mas mababa ang naitala ngayong buwan kumpara noong Mayo na umabot sa 82 Chinese vessels ang naitala.

Samantala, nakapagtala naman ng 41 vessels sa Bajo de Masinloc, 16 vessels naman sa Ayungin Shoal, 8 vessels sa Escoda Shoal, at 9 vessels sa Pag-asa Island.

Sa kabuuan, nasa 20,494 vessels ang namataang naglalakbay sa loob ng Philippine maritime zones kung saan nasa higit 17,000 rito ay mga foreign-flagged vessles at higit 3,000 ay domestic vessels.

Kaugnay nito, nasa 14,548 naman ang sumunod sa international protocols na naitalang sumagot sa radio challenges at 5,946 dito ay naitalang hindi tumugon.

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang kanilang pagbabantay at operasyon para matiyak ang seguridad sa karagatan ng bansa.

Facebook Comments