Wednesday, July 1, 2026

Ombudsman Remulla, tuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Sen. Rodante Marcoleta

Nanindigan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na tuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Senador Rodante Marcoleta.

Ayon kay Ombudsman Remulla, walang nagbabago kahit pa nagpapatuloy ang EDSA rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo bilang pagsuporta kay Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder.

Una na ring sinabi ni Remulla na walang public official, kahit ano pa ang ranggo o posisyon ay hindi ligtas sa mga imbestigasyon at pagsasampa ng kaso lalo na kung may matibay na mga ebidensya.

Hinikayat pa ni Remulla ang mga Ombudsman investigators na may tungkulin silang imbestigahan ang mga public officials at protektaha ang integridad ng serbisyo publiko.

Facebook Comments