Matagumpay na isinagawa noong Sabado August 29, ang 74th RMN Mission 2026: Handang Tumulong Medical and Public Expo sa Barangay Salisay Elementary School Gymnasium.
Daan-daang residente ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal, kabilang ang konsultasyon, ECG, nebulizer assistance, mga gamot at vitamins, lalo na para sa mga bata.
Katuwang naman ang Maria Corina Canoy Feeding Program, naging masaya ang lahat ng dumalo matapos silang mabigyan ng mga pagkaing inihanda para sa kanila, lalo na ang mga bata na nasiyahan sa simpleng handog na pagkain.
Bilang bahagi naman ng pagdiriwang ng 74th Anniversary ng RMN, isinagawa rin ang raffle kung saan 20 benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-5 kilo ng bigas, bukod pa sa mga iFM merchandising materials na ipinamahagi sa mga dumalo.
Bukod sa serbisyong pangkalusugan at pagkain, naging pagkakataon din ang naturang aktibidad para sa mga tagapakinig na personal na makilala ang kanilang mga paboritong personalidad na karaniwang napapakinggan sa iFM Dagupan.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaaabot ng iFM Dagupan sa lahat ng partners at sponsors na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Sa kanilang pakikipagtulungan, muling napatunayan ng iFM Dagupan ang patuloy nitong suporta sa komunidad hindi lamang sa paghahatid ng balita at musika, kundi maging sa pagbibigay ng serbisyo publiko at pagtulong sa mga nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments