Monday, August 31, 2026

PBBM, nakiisa sa pag-alala sa mga bayani ng bansa ngayong National Heroes’ Day

Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong bansa sa paggunita sa Araw ng mga Bayani.

Sa kaniyang mensahe, hinimok ng pangulo ang bawat Pilipino na hindi lamang dapat simpleng alalahanin ang mga nagawa ng mfa pambansang bayani kung saan dapat itong muling isapuso.

Aniya, nararapat rin na itaguyod ang tungkuling ipagpatuloy ang pagbuo sa bansang kanilang ipinaglaban at pinag-alayan ng buhay.

Bukod dito, nagbigay parangal din ang Pangulong Marcos Jr. sa sipag at kabayanihan ng mga itinuturing na modernong bayani.

Partikular ang mga sundalo, guro, health workers, magsasaka, mangingisda at overseas Filipinos gayundin ang mga karaniwang mamamayang patuloy na tumutulong sa kapwa at naglilingkod para sa kabutihan ng lahat.

Nabatid na pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-aalay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig city kasama ang ilang opiayal ng pamahalaan at mga beterano bilang tanda ng pagpupugay sa mga kinikilalang bayani ng ating bansa.

Facebook Comments