Dismayado ang isang residente sa Barangay Pantal dahil sa gitna ng kalamidad, nakuha pang tangayin ang kaniyang Tricycle.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Aladin Dela Cruz Escoto, may-ari ng natangay na tricycle, nawala umano ang kanyang sasakyan noong August 25, 2026.
Ikinuwento ni Escoto na lalo siyang nanlumo nang malaman niyang tinangay ang kanyang tricycle, lalo na’t ginagamit nila ito sa kabuhayan at hirap na ang kanilang pamilya sa buhay dahil kasagsagan pa ng kalamidad nang mangyari ang insidente.
Agad umano niyang idinulog sa pulisya ang insidente upang agad matugunan at maimbestigahan.
Sa panayam ng IFM News kay DCPO Substation 1 Investigation Officer, Patrolman Alvin Juguilon, agad isinagawa ang backtracking ng cctv footage sa posibleng dinaanan ng umano’y tumangay ng tricycle.
Kalauna’y nakumpirma sa CCTV Footage ang tricycle pati na rin ang umano’y posibleng tumangay sa nasabing sasakyan.
Lumalabas din sa imbestigasyon na hindi rin daw umano ito ang unang beses na ginawa ito ng umano’y suspek dahil sinubukan pa nitong gawin ang modus gamit din ang tinangay na tricycle.
Sa pagtutulungan ng biktima at ng pulisya ng Dagupan at Urdaneta City ay nahanap rin ang tricycle sa isang abandonadong lugar sa Urdaneta City ngunit sidecar na lamang ang nadatnan at wala na ang motorsiklo nito.
Sa ngayon ay nakapagsampa na ng kaso ang biktima laban sa suspek habang mahigpit na nagpaalala ang awtoridad sa publiko ukol sa mga insidente ng pagnanakaw o ilegal na aktibidad na agad dumulog sa kinauukulan para sa agarang pagtugon at aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments