VIRAL: 75 anyos sa Pangasinan, balik eskwela bilang Political Science freshman

145
Image via The Summit Express

Hinahangaan ng mga netizen ngayon si Benjamin Naoe, 75 taong gulang at isang Political Science freshman sa University of Pangasinan.

Sa Facebook post ni Christian Monses, ibinahagi niya ang mga larawan ni Ginoong Benjamin na may caption na, “Sa lahat ng kabataan na tamad mag-aral, sana gawin niyong inspiration ang mga taong kagaya ni lolo na ngayo’y ipinatuloy niya ang kanyang pag-aaral.”


“Isa po ako sa mga estudyanteng na inspire ni lolo, pinatunayan nyo na hindi pa huli ang lahat upang ipagpatuloy ang pag-aaral,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Christian na malaking bagay sa kaniya na nakilala niya ang katulad ni Lolo Benjamin.

Nagpahayag naman ng paghanga ang mga netizen kay Ginoong Benjamin dahil nagsusumikap pa rin siyang makatapagtapos sa pag-aaral hindi alintana ang edad.

Ayon sa isang netizen na nagkomento, “Walang hihigit pang kayamanan sa edukasyon na matutunan.”

 

 

Facebook Comments

From Advertisers