
Nananawagan si House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro sa mga awtoridad na tiyakin ang seguridad sa buong Senado sa harap ng nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Hiling ito ni Luistro sa mga law enforcement agencies sa harap ng napaulat na banta sa seguridad ng Senado at paghack sa website nito.
Nag-alala si Luistro para sa kaligtasan ng mga senador, mga empleyado at iba pang nasa Senado lalo’t sa Lunes, June 15 ay nakatakda na ang filing of pre-trial brief at sa Huwebes naman ang pre-trial conference.
Ayon kay Luistro, hindi maiwasan na mangamba din sila para sa proteksyon ng kanilang mga testigo at ebidensya laban kay VP Sara.
Facebook Comments










