Wednesday, August 26, 2026

Kaso ng dengue at leptospirosis, muling tumaas sa lungsod ng Maynila

Muling nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis sa Maynila.

Sa datos na inilabas ng Manila Health Department (MHD), nakapagtala ng 38 bagong kaso ng leptospirosis kaya’t nasa 267 na ang kabuuang bilang nito sa mga Manileño hanggang ngayong araw, Aug. 25, 2026.

Dalawa na ang naitalang nasawi dahil sa leptospirosis kung saan 15 na ang kabuuang bilang nito mula sa pagpasok ng taon.

Bukod dito, nadagdagan rin ng 7 bagong kaso ng dengue kaya’t nasa 2,374 na residente ng Maynila ang nagkasakit nito.

Pumalo na rin sa 1,042 ang kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) sa lungsod matapos makapagtala ng 40 bagong pasyente.

Nananatili naman sa 3 ang kaso ng cholera, 66 ang typhoid fever, 86 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 habang nasa 299 ang may naitalang nagkaroon ng Severe Acute Respiratory Infection (SARI).

Muling pinag-iingat at nagpapaalala ang Manila LGU sa mga residente na magpakonsulta sa mga malapit na health center at pampublikong ospital kung makaranas ng sintomas ng sakit, lalo na ang leptospirosis.

Facebook Comments