
Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng National Meat Inspection Service (NMIS) at ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DAIE) ang umano’y mishandled at hindi nakarehistrong mga karne sa Pasay Public Market kahapon ng madaling araw.
Sa nasabing operasyon, 241 na kilo ng mga karne ang nakumpiska ng mga nasabing operating units.
Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱77,000.
Kaugnay nito, ang mga nahuling nagbebenta ng naturang mga karne ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9296 o ang The Meat Inspection Code of the Philippines.
Facebook Comments










