
Tinabla ng Malacañang ang paghahambing ni Senator-Judge Robin Padilla sa mga bayaning gumamit ng alyas at sa mga informant na nakalista sa liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President o OVP.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, magkaiba ang dahilan ng paggamit ng alyas noon at ngayon.
Gumamit aniya ng ibang pangalan ang mga bayani upang itago ang kanilang pagkakakilanlan para ipinaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino, habang may mga informant ngayon na itinatago ang pagkakakilanlan para sa bayad.
Hindi rin aniya malinaw kung tunay na tao o “ghost beneficiaries” ang ilan sa mga pangalang lumitaw sa mga resibo ng confidential funds.
Hindi naman huhusgahan ng Palasyo si Padilla sa kaniyang paghahambing dahil karapatan ng senador na ipahayag ang kaniyang pananaw.
Gayunman, iginiit ni Castro buong katotohanan una mahalagang mailahad ang tunay na papel ng mga bayani upang hindi malito ang publiko, lalo na ang mga kabataan.
Tinapos din ni Castro ang press briefing sa isang paalala tungkol sa tunay na pagkilala sa mga bayani.










