Monday, June 29, 2026

Dating Ateneo Coach Baldwin, aminadong walang hawak na Alien Employment Permit; kampo ng coach, iginiit na exempted na sa pagkuha nito

Inamin ni dating Ateneo Basketball Team Headcoach Tab Baldwin na wala siyang hawak na Alien Employment Permit (AEP) habang nagta-trabaho dito sa Pilipinas.

Sa ginanap na public inquiry ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa insidente ng pagkalunod ng dalawang Ateneo Basketball Player, sinabi ni Baldwin na tanging Alien Certificate of Residency (ACR) ang kaniyang hawak kung saan nakuha niya ito noong 2016.

Giit ni Baldwin, isang Atty. Dong Florencio ang tumutulong sa kaniya na makakuha ng mga dokumento pero sinabihan na hindi na kailangan pa ang AEP at sapat na ang residency certificate.

Nang tanungin ni DOLE Sec. Francis Tolentino si Baldwin, inamin din nito na 2013 pa siya kinuha bilang consultant ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kaya nagtaka ang kalihim na inabot pa mg tatlong taon bago siya nakakuha ng ACR.

Dagdag pa ng dating Ateneo coach, nawalan na daw siya ng oras para asikasuhin yun at tumutok na bilang coach ng Ateneo basketball sa loob ng 10 taon.

Dahil dito, ipapatawag ng DOLE ang nasabing agogado na tumulong sa pagkuha ng dokumento at nagpayo kay Baldwin maging ang pamunuan ng Ateneo de Manila University para malaman kung kapwa sila lumabag sa ipinapatupad na Labor Code of the Philippines.

Iginiit naman ng legal counsel ni Baldwin na exempted na siya sa pagkuha ng AEP dahil may hawak ng permanent visa residency pero paliwanag ng DOLE na dapat ay nag-apply ito ng exemption.

Facebook Comments