8 FOCUS CRIME SA AKLAN, BUMABA MULA NANG MAUPO SI PCOL. TOLENTINO BILANG AKLAN PPO DIRECTOR

Kalibo, Aklan – Bumababa ang 8 focus crime sa probinsya ng Aklan simula ng maupo si PCOL. Crisaleo R. Tolentino bilang Aklan PPO Director. Ito ang inihayag ni PSSG. Ma. Jane Vega, Aklan PPO PIO sa Rmn Dykr Kalibo. Base sa kanilang data mula sa 281 na 8 focus crime ay bumaba ito ng 11. 74% o nasa 248 na lang ngayon. Ang 8 focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injuries, rape, robbery, theft, and carnapping. Maliban dito, bumaba rin ang crime incident sa Aklan kumpara noong 2021 na may 1, 892 kung saan bumaba ito ng 12. 53% o 1, 655 na lang. Samantala, tumaas naman ang Peace and Order situation mula sa 92.68% papunta sa 93. 41 % habang ang Public Safety Indicators ay tumaas rin mula sa 60% ay naging 94.11%. Ayon kay PSSG. Vega ito ay resulta rin ng partnership ng komunidad at kapulisan na nagbunga ng magandang relasyon at ang pinaigting na disiplina sa mga kapulisan
Facebook Comments