
Inatasan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga yunit ng pulisya na suriin ang mga umiiral na protokol sa pagtugon sa mga banta ng bomba sa paaralan.
Ayon kay Nartatez, dapat na tiyakin na ang mga protocol sa bomb threats ay nageevolve rin kasunod ng mga banta na kinakaharap ngayon.
Aniya, dapat ang pagresponde sa mga ganitong insidente ay mabilis , ang mga tauhan nito ay sinanay at ang kapabilidad ng mga ito sa pagiimbestiga ay matatag para matukoy ang mga responsable at mapigilan ang mga kaparehong insidente.
Ang direktiba na ito ng Top Cop ay kasunod ng dalawang insidente ng bomb threats sa dalawang pangunahing unibersidad sa Metro Manila na humantong sa paglikas ng mga estudyante at suspensyon ng mga klase.
Nabatid na nangyari na rin ang ganitong uri ng insidente sa iba pang mga paaralan sa mga probinsya nitong mga nakaraang buwan.
Ayon kay Nartatez, kanilang tutukuyin kung ang mga insidente na ito magkakakonektado at tiniyak na mapaparusahan sa batas ang mga nasa likod nito.










