Tuesday, October 27, 2026

Usec. Claire Castro, itinangging magiging mahistrado siya ng Korte Suprema

Itinanggi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nag-apply siya bilang Associate Justice ng Supreme Court, kasunod ng mga ulat na posibleng italaga siya sa naturang posisyon.

Ayon kay Castro, walang katotohanan ang ulat dahil hindi naman siya nag-apply bilang mahistrado ng Korte Suprema.

Kaugnay ito ng mga ulat na posibleng piliin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda bilang susunod na Chief Justice.

Samantala, tumanggi si Castro na pangunahan ang desisyon ng pangulo sa pagpili ng susunod na punong mahistrado.

Facebook Comments