80% ng rehistradong Pinoy voters, lumahok sa nakalipas na halalan —DepEd

Kinumpirma ng Education Department (DepEd) na 80 percent na mga Pilipinong rehistrado ang lumahok sa nakalipas na halalan.

Ito ay mula sa 68 million na registered Pinoy voters.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, ang naturang malaking voter turnout ay matibay na sinyales ng commitment ng publiko sa democratic governance.

Kinumpirma rin ni Angara na 600,000 na mga guro at DepEd personnel ang nagsilbing frontliners sa nakalipas na halalan at sa demokrasya.

Nanawagan naman ang kalihim sa mga bagong halal na opisyal na pagtuunan ng pansin ang pagpapa-angat sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Facebook Comments