
Pabor si House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa posibleng pagsali nina dating Senador Leila de Lima at human rights lawyer Atty. Chel Diokno sa House prosecution team para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kumpyansa si Ortega na ang presensya nina De Lima at Diokno ay magdadala ng matinding lakas sa legal na aspeto at lalong magpapatibay sa kredibilidad at integridad ng pagpapanagot sa opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Ortega, malaking bagay sina De Lima at Diokno hindi lang sa legal na usapin, kundi sa moral na aspeto ng impeachment trial ni VP Duterte.
Ipinagmalaki ni Ortega na sina De Lima at Diokno ay kapwa kinikilalang mga eksperto sa batas at matagal nang kritiko ng mga pag-abuso sa karapatang pantao kaya ang pagsama nila sa prosecution panel ay magpapabigat sa impeachment case laban kay VP Sara.