2 POI sa pagpapasabog sa MSU, pinangalanan na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP), ang 2 Persons of Interest (POI) sa nangyaring pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU) noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga ito na sina Kadapi Mimbesa alyas ‘Engineer’ at Arsani Membesa alyas lapitos/hatab/khatab na kapwa miyembro ng Daulah Islamiya Maute group.

Ani Fajardo, parehong may kinakaharap na kasong murder ang dalawa.


Nagtugma din aniya ang mga ito sa kanilang gallery ng mga tinaguriang most wanted persons at kuha mula sa CCTV sa labas ng MSU.

Nabatid na si Kadapi Mimbesa, ang may dala ng bag kung nasaan ang bomba habang si Arsani Membesa naman ay may kinausap umano sa cellphone at pagkatapos nito ay doon na sumabog ang improvised explosive device (IED).

Sa nasabing pagsabog, apat ang kumpirmadong nasawi at hindi naman bababa sa 50 ang sugatan.

Facebook Comments